0

BLOGGER PATROLLER

This is how former Philippine Vice-President and TV Patrol Anchor Kabayan NOLI DE CASTRO addressed the participants of the first-ever TV Patrol Bloggers Conference last October 15 at the 14th Floor of the ABS CBN ELJ Building in Quezon City.

The conference was hosted by TV Patrol Reporter ATOM ARAULLO with ABS CBN News and Current Affairs head MS. REGINA “GING” REYES and the producers of TV Patrol while Kabayan Noli De Castro is on the screen live via Satellite in Cagayan De Oro.

The BlogCon was centered on TV Patrol’s newest segment – CCTV PATROL which stands for Concerned Citizens Taking Videos Patrol  an initiative that capitalizes on people’s ability to gather news content and information due to their access to social media and technology.

CCTV Patrol features photos and videos about anything significant, remarkable, or bizarre in their communities captured using mounted closed-circuit television (CCTV) cameras, cellphones, and other gadgets.

According to Ms. Ging Reyes, the idea of the segment CCTV Patrol was suggested by Marc Logan during a producers’ brainstorming session.

“Kami ay di mapakali at laging nag-iisip kung paano pagagandahin ang TV Patrol.  During one of our brainstorming session with the producers the idea of CCTV Patrol was pitched in.  Ang talagang nakaisip ng segment ay si Marc Logan.  Siya talaga yung nag-push ng nag-push dun sa idea.  Napansin kasi namin na maraming mga balita ang nakukuha namin through CCTV footages.  Natutuwa kami at maganda ang pagtanggap ng viewers at ng mga contributors dun sa idea.”

Kabayan Noli De Castro said a huge chunk of the videos they receive and report in the newscast depict crimes that need police intervention.  The team of ABS CBN News and Current Affairs reporters will also see to it that each criminal incident aired in the segment will be probed and monitored until the perpetrators face justice.

“What’s important is the media and citizens can take part, and not simply complain about the crime situation in the country.  This time, we aid the police authorities in solving crimes by being vigilant and alert.” said Kabayan.

There’s no doubt of the importance of CCTV in providing crucial evidences and information which makes it a great tool for news reporting but since the full concentration of the segment heavily relies on video recordings from CCTV cameras, digital cameras, phones and other devices owned by ordinary citizens – we also have some reservations with regards to the credibility of the footages and the possibility of the citizen reporting tool to be abused.

Ms. Ging Reyes and Kabayan Noli De Castro answered some of the questions presented by the participants of the Blog Conference about the new TV Patrol Segment:

Kabayan, may CCTV po ba kayo sa bahay?

“Hindi ko naman masyado kailangan ang CCTV, pero pinag-iisipan ko na ngayon.  Ang meron ako sa bahay ay yung ilaw na nakaka-detect ng body heat.  Nagpapahanap ako ngayon ng CCTV na may pinaka-malinaw na resolution at remote ang operation.  Yung pwede makita sa mobile phone ang mga nakukunan ng camera sa bahay kahit nasa malayo ka.” – Kabayan Noli

Paano po kung controversial o medyo political ang nature ng mga videos?

“Tinitimbang namin ng maayos ang bawat desisyon namin.  Pero mas dapat mangibabaw ang pangkalahatang interes ng publiko.  Oo, ipapalabas namin ang mga video kontrobersyal man o tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno matapos ang masusing pagsusuri ng aming editorial team.” – Ms. Ging

“Kapag maselan ang video, pina-follow-up iyan ng mga reporters at kinukuha ang kabilang panig.  Kung mapapatunayan naming totoo ang video ay ipapalabas namin yan kahit sino pa ang nasa video.  Ang iniiwasan lang namin, lalo na’t mag-eeleksyon ay ang magamit ng mga politiko ang CCTV Patrol para sa kanilang pansariling agenda.  Katulad ng paninira sa mga kalaban.” – said Kabayan Noli

Paano po kung ayaw magpakilala ng kumuha ng video?

“Ang general rule sa journalism ay hindi pwede tanggapin ang isang report kung di nalalaman kung kanino galing ito.  Ito ay dapat dumaan sa isang screening process.  Kung masisiguro namin ang credibility ng video o report ay maari namang mabigyan ng proteksyon ang nagsiwalat o nagbigay ng video kung nais niya na huwag isa-publiko ang kanyang katauhan.” – Ms. Ging

Gaano kadami ang mga video na natatanggap ng CCTV Patrol?

“Ang CCTV Patrol ay nasa pamumuno ng Bayan Mo i-Patrol Mo Team at nakakatanggap kami ng mga 10 hanggang 15 videos araw-araw at mga 3 video ang naipapalabas namin sa isang araw.” – Ms. Ging

Tumatanggap din ba ang CCTV Patrol ng mga video na ‘Good’ News? (Yung hindi tungkol sa krimen at katiwalian)

“In fact, ang gusto namin ay good news talaga.  Nagkakataon lang na mas madami talaga ang mga di magagandang pangyayari na naibibigay sa aming tanggapan.” – Ms. Ging

“Tumatanggap ang CCTV Patrol ng mga video tungkol sa kabayanihan.  Wag lang yung kabayanihan na sinadya.  Hindi kami tatanggap ng mga kabayanihan na naghihintay na makunan lang ng camera.” – Kabayan Noli

Gaano katagal ang verification process ng mga videos?

“Kung mga simpleng reports inaabot yan ng isang buong araw.  Kung kontrobersyal at sensitibo inaabot ng mga hanggang 1 Linggo.  Matagal talaga ang proseso.  Mahigpit kami para yung ipapalabas namin ay balanse at accurate.  Hindi din namin ginagamit ang mga CCTV footages para sa mga breaking news.  Actual footages galing sa aming reporter ang ginagamit namin kapag breaking news.” – Ms. Ging

Ano ang first impression ni Kabayan Noli tungkol sa CCTV Patrol Segment?

“Ang una ko ginawa ay tinanong kung ano ang ibig sabihin ng CCTV at kung ano ang ipapalabas sa segment na yun.  After ipaliwanag sa akin agad kung sinabi na maganda yung idea at naiiba.  Hindi ako nagdalawang isip na sabihin sa kanila na napakaganda ng naisip nila.”

Kabayan may twitter po ba kayo?

“Wala akong twitter at wala din akong Facebook dahil wala akong oras para doon.  Ang oras ko ay divide-divide sa madaming gawain.  Kung magkaka-oras ako para dun ay baka mawalan naman ako ng oras para sa ibang bagay at sa aking sarili.   Ang meron ako ay isang special celphone number na tinatawag ko na TEXTPOSE.”

Nagagamit ba sa korte na ebidensya ang mga CCTV footages?

“Ang mga awtoridad ginagamit ang mga CCTV footages para sa pangangalap ng ebidensya at sa kanilang mga imbestigasyon.  Marami na rin mga na-solusyunan na kaso o krimen ng dahil sa CCTV footages subalit di ko alam kung may gumamit na ng CCTV bilang ebidensya sa korte.   – Ms. Ging

Magkakaroon ba ng separate program soon para sa CCTV Patrol?

“Tignan natin kung san makakarating.  Sisikapin namin na maging maganda ang standing palagi ng CCTV Patrol. Pero napaka-aga pa para masabi kung magkakaroon ng separate program para dito.” – Ms. Ging

To date, ordinary people’s contributions to CCTV Patrol have led to some of the biggest stories that hit the headlines and revolutionized broadcast journalism in terms of reaching audiences and giving them the opportunity to influence and contribute to the news cycle.

Due to the success of the segment, Kabayan stressed the importance of the continued involvement of Bayan Patrollers and citizens to uncovering newsworthy events Filipinos need to know.

 “I encourage everyone to make good use of their cellphones and gadgets instead of recording trivial videos and forwarding gossip.  This is a big help.  The police no longer have excuses in not being able to arrest criminals identified in a footage.”  he said.

Watch Concerned Citizens Taking Videos or CCTV Patrol weeknights in TV Patrol after Aryana on ABS CBN.   Send your photos and videos to [email protected] or post them on www.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula or to @bayanmo on twitter.

 

Follow Me

Like it? Share with your friends!

0
raindeocampo

Writer, Wanderer, Child of God

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

RSS
Follow by Email
Instagram